Picking up the pieces again

Sorry seems to be the hardest word
by Richard Marx

Ni hindi ako nagkaron ng lakas ng loob na ipost sa sarili kong blog ang kwentong ito. Mahirap kasi. . .kasi sabi nga nila minsan may mga sugat na kahit anong gawin mo eh ayaw maghilom. . .para sa akin ito yun. Pero dahil importante sa kin si kuya.  Dito ko na lang ishe-share ito. Isa sa mga dahilan kung bakit minsan sa buhay ko nawalan ako ng tiwala sa halaga ng magulang, pag-aasawa…pag-ibig? At kung bakit takot ako sa relasyong pang-kalawakan. Gets nyo? Ako nga pala si Heleyna, at ito ang istorya ng buhay ko.

Dear Ate Charo este Kuya Buyoy,

Unang araw namin sa bagong apartment. Labing syam na taon na sa matigas na kahoy ko lang nararanasang matulog..kung hindi sa sahig, sa papag. Ngayon makakaranas na kaming mahiga sa kutson. Ang sarap pala nun pero nakakapanibago. Wala na kami sa iskwater. Noon yun lang ang langit para sa akin, andun kasi ang pamilya ko at halos lahat ng kamag-anak namin. Wala na nga kami sa iskwater…Pero kung inamin nya lang sana…kung humingi lang sya ng tawad dahil ganun sya kamahal ni papa. Sana ngayon meron pa rin kaming ina.

Pumasok si papa sa kwarto namin..madaling araw na natapos ang paglilipat, wala kaming dalang mga bumbilya kaya madilim sa buong bahay. “Pwedeng dito na lang ako sa kwarto nyo matulog, ngayon lang naman eh. Natatakot ako sa kwarto ko.”

Natawa kaming apat at tanda ko pang pinag-agawan namin kung san tatabi si papa. Pero alam ko, alam naming lahat na sumikat ang araw na wala namang nakatulog sa aming lima. Hindi naman lahat ng nakapikit eh natutulog. . .at hindi kelangang lumuha para maipakita mo kung anong rebolusyon ang nasa dibdib mo. Paano na, naisip ko. Kaya ba namin? Kaya ko ba? Pagbalik ni papa sa barko. . .ako ang aako ng lahat ng to.  Ni hindi nga ko marunong maglagay ng liston sa pantalon, nagsusugat ang mga daliri ko pag naglalaba, pritong hotdog at pinakuluang tubig lang ang alam kong iluto. Thesis ko na ngayong taon. Syet! Makagradweyt pa kaya ko?

Na-iisip kaya kami ni mama? Mami-miss nya kaya kami? Pagsisisihan nya kaya balang araw…na hindi nya kami pinili? P****ina, kaming lima kapalit ng isang tao, demonyo, hayup, manghuhuthot na nakilala nya lang sa pa-sugalan. Dahil ano? Dahil mahirap ang walang asawa, dahil mahirap mag-isa sa gabi? Lord, bakit po? Naalala kong tinanong ko yan, alam ko wala ako sa posisyon para kwestyunin sya. Pero anong pwedeng gawin sa mga ganitong pagkakataon? Kung sasagot lang sana sya. Kung sasabihin nyang isang malaking biro lang ang lahat. Pero hindi eh. Kaya magtitiis ako sa mga gasgas na “Nothing is what it seems” at “Everything happens for a reason.”

Nakagradweyt ako sa premed course kung Biology. Andun ang boypren at kapatid ko pero wala ako ni isa mang magulang. Ni hindi ko na ginustong magpakuha ng litrato. Gusto ko na lang umuwi at matulog. Sana kinder na lang ulit ako. Astig ang gradweshun ko nun!

Hindi ako magpapanggap at hindi ako magpapaka-ipokrita na sa mga sumunod na taon eh hindi ko sinubukang mag-rebelde. Maglayas. Magpakamatay. Lahat ata ng produkto ng broken families nararanasan to. Parang wala ng tama sa buhay mo.

Nagkasakit ng matindi ang dalawang kapatid ko, kinailangan nilang huminto sa pag-aaral. Nung wala naman silang sakit, hindi rin sila madalas pumasok. Naging abala sa school-hopping {akala ata nila yun ang uso}, palipat lipat ng eskwelahan, drop dito, drop dun. Minsan kinamumuhian nila ko sa pakikialam at pag-aastang nanay. Pero tuwing madadapa sila at masasaktan…sa akin rin sila tumatakbo para humingi ng pagdamay. No choice eh. Si papa, nangolekta ng chicks. Pag wala syang deyt puro alak ang katapat nya sa bahay. Nagkaron kami ng dalawang step mother na parehong palpak. Naubos lang ang pera namin. Unang paghinto ko sa kursong medisina. Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak. Halos sampung taon ang kelangang bunuin para maging doktor kung hihinto ako ng hihinto. Malamang singlutong na ng skyflakes ang matris ko pag nakatapos ako.

Ang buhay namin nagmistulang basag na pigurin, na idinikit lang ng pilit, alam mong magbabadyang mabasag ulit sa bawat maling galaw. Mababasag, sasabog ang mga piraso at ididikit ulit. Bawat taon bagong eksena, bagong drama, bagong rebelasyon. Ilang baldeng luha na ba naubos ko. Sumuko. Ilang beses ko ng naisipan to. Pero sinusukuan ba ang pamilya? Kahit pagbali-baligtarin ang mundo hindi “ako” magiging ako..kung wala sila.

Takot akong mag-asawa aaminin ko. Natatakot ako sa kahihinatnan. Ayokong masira lang ito at may maiiwang apat na batang miserable at sabay na umiiyak tuwing pasko dahil wala silang magulang. Pero sabi nga sa kanta ni Coritha “…ang takot ay nasa isip lamang.”

Kaya kung sa kabila ng lahat eh tatanungin nyo ko kung gusto ko pa rin bang, magpakasal at sumugal? Ang sagot ay – OO! Kasi alam ko hindi ako pababayaan ng Diyos. Kasi alam ko magiging mabuting ina ako. Kasi minsan isang araw sa mundo ng Plurk sinabi ni kuya buyoy sa kin…

“May darating pang magiting na prinsipe para sa prinsesa.”

Pagkalog-out ni kuya umiyak ako at natatak sa isip ko ang mga salitang yun. At kung tama man ang prediksyon nya. Kung babalik man ang prinsipe ko o may darating na mas macho at gwapo bago. . .Naknang! Magpapaberger ako!

PS:

Best Wishes sa inyo ni Ms. Archie kuya! Hindi ako makaka-attend sa kasal mo, hindi kita masisilayan, hindi ako makakatikim ng handa…pero hihintayin ko ang finish product! Ninang kami ni Joycee wahaha.

Mahal Kita. . .alam mo yan.

~ by Heleyna on April 16, 2009.

38 Responses to “Picking up the pieces again”

  1. pers aku bleh!

  2. parang nabasa ko na to.. hehehehehe

    honestly.. nalungkot ako nung nabasa ko ito..
    you showed a great amount of courage… and sa tingin ko.. kaya nyo pang lampasan ang mas higit pang pagsubok na darating…

    tama si eric… may darating na mas magiting na prinsipe para sa prinsesa… hindi mo nga lang alam kung kailan.. pero may darating…

    nasaan na ba si eric?!?!?!

  3. Hanube sis gustong gusto mo talagang pinapaiyak ako noh?! *pahid-uhog*

    Mga pahaging-haging lang ang kwento mo saken about your family. I’ve always wanted to ask you about the whole story, kung nasan ang mama mo, baket nya kayu iniwan, kung nasan sya ngayun, kinakausap pa ba nya kayo at napakarami pang tanong. Pero I’ve never had the courage to ask. Hiya, o takot na baka ma-offend ka (madame tayong ganyang cases na takot tayu tanungin ang isa’t-isa pero in the end mali pala tayu parehas)

    As usual, pinahanga mo ko dahil may lakas ka ng loob na ikwento ‘to. Hinde ko na kelangang magkaron ng broken family (wag naman po sana) para sabihing naiintindihan kita, pero nadama ko ‘to sis as in! Pero kung lilingon ka, tignan mo, matapang ka ngayon dahil sa mga nangyari sa buhay niyo.

    At oo, I strongly believe na magiging mabuting ina ka! (hanube parang panger pakinggan!) Alam kong hinde mo gagawin ang mistakes ng Mama mo.

    Lage kang nasa prayers ko sis. Yun lang, *mwaaah*

  4. @joycee, madaya! wahaha
    @potski, ikaw ba yun? ahaha..sayang hindi, naunahan na ko eh. Salamat sa lahat..at kahit wala akong inexplain iniintindi mo lang lahat. Si kuya ko busy! Work mode daw muna sabi nya. Mwaaah.

  5. Eto na part 2 ng comment:

    Ekshuli mga tanung lang ito.

    -Anu yung liston sa pantalon?
    -Baket astig yung gradweyshun mu nung Kinder?
    -Talaga bang nagiging singlutong ng skyflakes ang matris? (natakot daw ako)
    -Sinu si Coritha??

    Yan nalang muna! Wahahaha..

    **Kuya Buyoy, miss na namen mga posts mo, malapit na ang ispisyal day, fechurs ha magshare! mwahuggggs**

  6. @joycee, Grabe si joyce di pa nga ako nakahinga sa pagbabasa ng unang koment meron na kagad ulit syete! Hmm actually tama ka dun..puro boys kasi laman ng NL natin kaya wala na time pag-usapan yan and honestly binalak ko dati pa gawan ng blog post yan kaso sobra depressing, at di rin talaga ko at ease pag-usapan yan. Kay rev ko lang naikuwento yan ahaha. Salamat sis sa maraming bagay. Ayoko na magdrama at baka bumaha pa ng luha dito..sa NL na lang lolz. Pero isa ka sa pinaka-astig na kaibigang nakilala ko! Labyu!

    SAGOT:
    - di ko alam din basta yung guhit sa pants pag pinaplantsa mo tama ba? ahaha
    - eh kasi salutatorian ako nun tapos andun peyrents ko. Bongacious yun! Bwahaha
    - hindi! pero malay mo? kaya gamitin na yan lolz
    - ewan songer sya, kapanahunan ni kuya buyoy, rev at pots..hindi na natin naabutan bwahaha. May gugel naman. Tse!

  7. naiiyak ako..babalikan kita sa susunod na pagbisita ko..

    resabak un na comment masyadong nadurog ang batong puso ko :(

  8. [...] ang sister kong si Heleyna sa blog ni Kuya Buyoy na nalalapit na ang special day. Dalawin niyo ha! Eto click mo ‘to pagtapos mo basahin ang posy ko na ‘to ha. [...]

  9. naiyak naman ako sa entry..

    “ayokong masira lang ito at may maiiwang apat na batang miserable at sabay na umiiyak tuwing pasko dahil wala silang magulang.”

    hindi ko naranasan totally mawalan ng magulang pero naranasan ko yung hirap malayo sa kanila.. at masasabi ko lang mahirap kumilos ng wala sila.. mahirap gumawa ng desisyon sa buhay ng wala ang gabay nila…

    pero sa kabila nun, bilib padin ako sayo.. kasi andyan ka padin ngayon, malakas ang loob. mahina man tignan pero sobrang tatag patuloy na lumalaban sa mga kakulangan ng buhay na ibinigay sa inyo ng tadhana at pagkakataon…

    tama, wag matakot na magmahal.. lahat naman tayo may chance na mahalin at magmahal.. may chance na gawing kakaiba at mas mabuti ang sariling pamilya.. ang mainam don sa pagbuo mo ng sarili mong pamilya mas alam mo na ang buhay, mas alam mo na ang pakiramdam at sa ganun paraan mas magiging maayos kang may bahay sa asawa mo… at mabuting ina para sa mga anak mo…

    moving story to heleyna.. salamat sa pagshare…

    bon

  10. @khzr4u, wow bato ba ang puso mo? palambutin natin. Salamat sa pagdaan.

  11. @bons, uy naiyak naman ako sa koment. “mahina man tignan pero sobrang tatag patuloy na lumalaban sa mga kakulangan ng buhay” Anlalim..dumugo ilong ko hehe. Salamat sa pagtityagang basahin to. Almost 8 years na din ang lumipas..mahirap pa din, pero lahat naman malalampasan hangga’t may mga kaibigang handang dumamay at syempre with God’s help..Kaya yan!

    Salamat sa friendship..salamat sa lahat..alam mo na yun. Ahehe. Toinks!

  12. @heleyna, hindi naman pero may ganitong sitwasyon din kasi akong pinagdaanan..

    madami akong tanong pero wala akong mahanap na kasagutan, sa tuwing babalikan ko ang nakaraan, nare-realized ko lang na ang lahat ay may dahilan, gagawin kang matibay ng mga pag-subok, gagawin kang manhid ng sakit, at gagawin kang BUO ng isang pagkawasak..sa tamang panahon..
    SI GOD lang ang nakakaalam..
    madaming angel syang ipapadala sayo..

    wag lang bibitaw..

  13. @khzr4u, kung ano man ang sitwasyon na yan..sana nalagpasan mo na din. Kung hindi pa..pwede naman pag-usapan yan. Sino sino pa ba magdadamayan diba? *wink*

    Madami nang anghel na pinadala, sobrang thankful nga ako eh. Salamat sa pagbabasa. God bless you!

  14. heleyna! nabasa ko na ang post mo! alam ko na magiging mabuti kang Ina, kung ndi ako nagkakamali, ikaw na din nagalaga sa mga kapatid mo tama? at tama yan, di ka dapat gumive up sa love, may dadating pa, alam mo yan, you’re a kind person, mabait at matalino, nag doctor ba naman eh!! ^^ remeber, im just here!

  15. waahhhh.. sis heleyna… yaka mu yan..
    kung anu man nangyari sa nakaraan mo, alam ko yun yung magiging way para maging stronger ka pa lalu..
    agree ako sis, ikaw ay ikaw dhil din sa knila..
    darating din yan si prinsipe.. just be patient..
    namiz ko keu.. yngatz yngatz po.. tsup..^^

  16. cyberhug? :(

  17. Ayan BesSis (esye bes lang pala) naging emo na ang mga tao dahil sayu, pahug nalang nag.. *hugsss*

  18. Ang buhay ay paglalakbay, isang mahabang paglalakabay na kailangan nating iwan ang mapait na nakaraan at dalin ang magandang karanasan. Hindi magiging maganda ang istorya ng isang prinsensa kung walang pagsubok. At ngayon (tyaraaaan!!!) masasabi ko na handa ka nang makilala ang karapat dapat na prinsipe ng iyong buhay. mabuhay ka heleyna.

    “Love moves in misterious ways”
    (joyful, sorrrowful, etsetera…hayyyyyyssstt!)

  19. gusto kong sabihing nakaka-relate ako pero sa ibang paraan. mahirap and i can’t explain it here. baka balang-araw ay magkaroon rin ako ng lakas ng loob na ipaaalam iyon sa blogosperyo but for now i admire your courage in facing your adversity.

    don’t lose hope dahil lang sa nawalan ka ng ina. patunayan mo sa kanya na kahit wala siya, you and your family can make it through life. smile! :)

  20. Hi Heleyna… thanks for the share! Haysss… kakalungkot! Nuon, inisip ko na ang lahat ng nawala/umaalis may kapalit, siguro para sa mga kapatid mo ikaw ang naging mama at papa nila.

    Hindi ko rin naranasan ang lumaking may kumpletong pamilya, siguro last na magkakasama kami way back when I was 5. Tagal na nun at kahit na anong gawin ko hindi na magiging kumpleto. Ahhh.. teka… emo na ko ah! Ahihihi

    BTW tama si Buyoy… may darating na isang magiting na prinsipe para sa prinsesa. Smile heleyna! :)

    Sayang hindi kayo nakapunta sa wedding ni Buyoy, nagkita-kita sana tayo!

  21. Aymishu Kuyaaa1

  22. naku maraming salamat po sa lahat ng nagkoment..pasensya na at di ko na nareplayan lahat. Bawi na lang ako. Dalawin ko kayo basta’t makahanap ng panahon. Jon, Jerbaox, Topher, Enjoy and Teentoinks…super thank you sa inyo! mwaaaaah!

    PS: kuya! mag-post na ng pics weeeee!

  23. Uuwe na si Kuya malapit na malapit naaa! Nararamdaman ko na wuhuuu!

  24. ngayon ko lang nabasa. hugs kita, heleyna. i know how difficult it is for you to relate all this. pero andito naman kami ng circle of cyberfriends mo, loving you and not judging you at all.

    hamo, darating na si prince charming. natrapik lang yun.

    God bless!

  25. parang ma-ala-ala mo kaya

  26. @kuya utoy, salamat po sa hugs! weee sarap! and super thank you sa friendship! san ba natrapik kuya? susunduin ko na lang ahahaha

    @banxiety07, korek ehehe!

    @kuya buyoy, kuyaaaaa! miss na kita…post mo na mga pics! weeheee

  27. napadaan lang..at muling nagbabalik…weeeeeeeeee

  28. [...] heleyna ang tingin ko sa babaeng ito eh iyakin pero fighter…nabasa ko lng sa blog ni kuya buyoy nung minsang naging guest blogger sya, yung isa sa mga sad story ng buhay niya…hindi ko [...]

  29. [...] admired you for your guest post in Kuya Buyoy’s blog. Nakilala ka nila na sa likod ng mga ngiti at kakulitan sa blog mo, is a very strong woman who [...]

  30. nakaka relate ako sa istorya mo.. at aam ko kung ano yung feeling na wala ang mga magulang sa mahahalagang okasyon. pero hanga ako kase nakayanan mo lahat. *hugs*

  31. was here to give a blog award :) —>>> your award

  32. isa pang blog award para sayo para magising ang matagal ng nahimlay na blog…. nilagay ko sa personal blog ko.

  33. Got an award for you. Its up to you if you want to grab it. Happened to have a rules hehe

  34. ganda ng header mo! magpost ka naman ng something new noh

  35. hahaha napansin mo pa pala yan thanks. Yup sorbang busy may deadline kasi ako.

  36. @Buyoy: Ako din napansin ko hahhaa… nyehehe… NEW POST… NEW POST!

  37. ang ganda ng header!! GREENER PASTURES!~

  38. Astig ng header! Ngaun ko lang nakita! hahaha!!

    Buhay pa ba tong blog na to? Puro kasi mafia eh!

Leave a Reply